GUGUNITAIN ng mamamayan ng Bangladesh ngayong araw ang deklarasyon ng kalayaan ng bansa mula sa Pakistan sa mga huling oras ng Marso 25, 1971, sa pangunguna ng “Father of the Nation” na si Sheik Mujibur Rahman. Ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ay nagsisilbi ring pag-alala sa libu-libong sibilyan na nasawi sa Bangladesh Liberation War.

Kasing saya ng pistahan ang okasyon, ngunit mayroon ding mga seremonyang idinadaos nang buong taimtim. Kinakabitan ng makukulay na ilaw ang mga tanggapan ng gobyerno. Ang mga pangunahing kalsada at ang mga gusaling pampubliko at pribado sa maraming bayan ay pinapalamutian ng watawat. Magsasagawa rin ng 31-gun salute sa madaling-araw bilang simbolo ng pagsisimula ng selebrasyon. Nagdaraos ng mga seremonya sa iba’t ibang memorial, gaya ng Jatiyo Sangshad Bhaban at ng Shahid Mina at ang Jatiyo Smriti Soudho, isang pagbibigay-pugay sa mga nakipaglaban para sa kalayaan.

Nag-aalay din ng mga bulaklak sa National Monument sa Savar malapit sa Dhaka. Mayroong mga parada, pagtatalumpati ng mga pulitiko, mga fair, at mga konsiyerto. Nagsasahimpapawid ang mga himpilan ng telebisyon at radyo ng mga espesyal na programa at nagpapatugtog ng mga awiting makabayan. Namumudmod din ng kendi sa mga bata. Nag-aalay ng mga espesyal na panalangin sa mga martir sa mga mosque, templo, at simbahan sa bansa. Binibigyang-respeto rin ang mga pamilyang Shaheed. May mga espesyal na pagkain din na ipinamamahagi sa mga ospital at bilangguan. Nagdaraos din ng mga essay writing competition tungkol sa kahalagahan ng okasyon.

Ang Bangladesh ay isang bansa sa South Asia, nasa silangan ng India sa Bay of Bengal. Luntian ang kapatagan nito at maraming karagatan. Ang mga ilog nito na Padma (Ganges), Meghna, at Jamuna ay nagpapasigla sa pagtatanim at karaniwan na sa bansa ang paglalayag bilang transportasyon. Mayroon itong malawak na bakawan, na ibinabahagi nito sa India at nasa katimugang baybayin, ang Sunbardans. Dito matatagpuan ang Royal Bengal tiger.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Napanatili ng Pilipinas at Bangladesh ang mainit nitong ugnayan simula nang maging bansa ang Bangladesh. Isa ang Pilipinas sa mga unang bansa na kumilala sa winasak ng digmaang Bangladesh noong Pebrero 1972. Bumisita sa Maynila si Sheikh Mujibur Rahman noong 1973, habang pabalik sa Dhaka mula sa Tokyo upang magpahayag ng pasasalamat sa mamamayan ng Pilipinas dahil sa kanilang agarang pagkilos upang kilalanin ang Bangladesh.

Marso 2015 nang lagdaan nina Philippine Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario at Bangladesh Foreign Secretary Md. Shahidul Haque ang Memorandum of Understanding na nagtatatag sa mga konsultasyon sa mga dayuhang polisiya sa pagitan ng dalawang bansa. Pagkatapos nito, nagdaos ng inaugural meeting at tinalakay ng mga kinatawan ng dalawang bansa ang mga pagsulong sa kanilang ugnayang bilateral, at ang mga inisyatibo sa larangan ng edukasyon, impormasyon, at teknolohiyang pangkomunikasyon, pangisdaan, aquaculture, at palakasan na palalawakin pa ng kanilang pagtutulungan.

Binabati natin ang mamamayan at ang gobyerno ng Bangladesh, sa pangunguna nina President Abdul Hamid at Prime Minister Sheikh Hasina, sa pagdiriwang nila ng Pambansang Araw.