OAKLAND, Calif. (AP) — Kaagad na huminge ng paumanhin si Golden State forward Draymond Green hingil sa kanyang pagiging kaskasero at sinabing ang desisyon na ilagay ang video ng speedometer ng kanyang sasakyan na umabot sa 118 mph ay isang “poor judgement”.
Inalis na rin ni Green ang video sa kanyang social network account, ngunit naipalabas na ito ng TMZ.com.
Sinabi ni Warriors coach Steve Kerr na personal niyang kakausapin si Green hingil sa naturang isyu, ngunit nagpahatid na umano ito ng paumanhin sa kanya at sa management.
“He said he used poor judgment, which obviously is the case,” pahayag ni Kerr nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).
“I’m very confident he won’t do it again. I’m glad that he’s fine and nobody got hurt or anything, but the main thing is he came out and apologized, so we move on.”
Si Green ang ikatlong leading scorer ng Golden State sa likod nina Stephen Curry at Klay Thompson tangan ang averaged 13.7 puntos kada laro.
“Obviously, poor judgment,” sambit ni Green. “But I’m not here to take any attention away from this team. But, like I said, poor judgment.”
Target ng Warriors (64-7) na pantayan, hindi man malagpasan ang NBA record 72-10 marka ng Chicago Bulls noong 1995-96 season.
Tangan din ng defending champions ang 51-game home winning streak sa Oracle Arena, kabilang ang 33 sunod ngayong season sa pakikipagtuos laban sa Dallas ,sa Biyernes.