Pumirma sa isang peace covenant ang mga kandidato para sa mga lokal na posisyon sa Quezon City sa eleksiyon sa Mayo 9.

Ayon kay Election Officer IV Jonalyn Sabellano, chairman ng City Board of Canvassers, pinangunahan nito ang paglagdag ng kasunduan upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa halalan.

Kabilang sa mga pumirma sa peace agreement sina QC Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte sa harap ng mga kinatawan ng national and district officials ng Comelec.

Nasaksihan din ang paglalagda ng peace covenant ng mga kinatawan ng Parish Pastoral Councilor for Responsible Voting (PPCRV), National Citizens Movement for Free Elections (Namfrel), One Vote, Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO), Armed Forces of the Philippines-Joint Task Force, QC Police District (QCPD), Department of Education-Quezon City, at Department of Interior and Local Government (DILG).

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa impormasyong inilabas ng Comelec, aabot sa 86 na kandidato ang maglaban-laban sa iba’t ibang posisyon sa lungsod.

(Rommel P. Tabbad)