Pinagtibay ng Kamara ang panukalang nagdedeklara sa Marso 31 ng bawat taon bilang non-working holiday o pista opisyal sa Southern Leyte, bilang paggunita sa kauna-unahang misa sa bansa na idinaos sa probinsiya may 495 taon na ang nakalilipas.

Ipinasa sa pangatlo at pinal na pagbasa ang House Bill 6355, na ipinalit sa HB 5546 na inakda ni Southern Leyte Rep. Damian G. Mercado, na nagdedeklara sa Marso 31 bilang “First Mass Day.”

Batay sa historical reports, ang unang misa sa Pilipinas ay idinaos noong Marso 31, 1521 sa isla ng Limasawa sa Southern Leyte, ng grupo ni Ferdinand Magellan. (Bert de Guzman)

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!