Pinawalang-sala ng Sandiganbayan Fifth Division ang isang dating alkalde at treasurer ng Naga, Zamboanga Sibugay na kinasuhan sa paglustay ng P300,000 pondo ng munisipalidad.

Sa 26-pahinang resolusyon, pinaboran ng Fifth Division ang demurrer to evidence na inihain ni dating Naga Mayor Ryan Tan at Municipal Treasurer Rodulfo Nercua na kapwa hiniling na ibasura ang kasong isang bilang ng illegal use of public funds at isang bilang ng malversation dahil sa kakulangan ng ebidensiya na iprinisinta ng prosekusyon sa paglilitis.

“After a careful consideration of the accused Demurrer to Evidence and the grounds cited to support thereof, along with a second hard look at the Prosecution’s evidence, this Court finds such evidence lacking, and accordingly grants the Demurrer to Evidence,” saad sa resolusyon na isinulat ni Associate Justice Ma. Theresa Dolores Gomez-Estoesta at kinatigan nina Associate Justices Roland Jurado at Alexander Gesmundo.

Ipinag-utos din ng korte na ibalik ang piyansang inihain ng mga akusado at bawiin ang hold departure order na inilabas laban sa kanila.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang dalawang dating opisyal ng Naga ay unang inakusahan ng paglulustay sa P300,000 na sana’y inilaan sa expansion project ng health center, subalit ito ay sinabing ginamit sa rehabilitasyon ng tanggapan ng alkalde simula 2005 hanggang 2006.

Napag-alaman ng korte na inaprubahan ng konseho ang Appropriation Ordinance No. 05-02 na naglalaan ng pondo sa pagsasaayos sa mayor’s office at pati na rin ang konstruksiyon ng extension ng main health center.

(Jeffrey G. Damicog)