bong copy

Sa isa pang pagkakataon, magsasama-sama ang mga kaibigan, pamilya sa Tanduay Distiller, Inc., at stakeholder sa 3rd Chairman Kap Golf Invitational sa Abril 1, sa Wack Wack Golf and Country Club.

Ginaganap bilang pagbibigay-pugay kay Tanduay Chairman at Chief Executive Officer Dr. Lucio C. Tan, itinuturing na ama na siyang gumabay sa matagumpay na pag-usad ng Tanduay bilang pangunahing produkto sa bansa mula noong 1988, inaasahang lalagpasan ng torneo ang nakalipas na dalawang edisyon sa aspeto ng partisipasyon.

“Since my father acquired the Company in 1988, we have grown to be not just one of the country’s biggest brands but more importantly, one of the brands that Filipinos love the most.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

“This annual fellowship is one way to recognize all the hard work my father has done for the Company and also, we never forget friends and partners who have been with us through the years,” pahayag ni TDI President Lucio ‘Bong’ Tan, Jr.

Ayon kay tournament chairman Gerard Cantada, gagamitin sa torneo ang system 36 format at tatampukan ang masayang araw ng awarding ceremony at dinner party kung saan naghihintay ang mga kaakit-akit na premyo tulad ng Usana products, gift certificates, gadgets, round trip tickets mula sa Philippine Airlines at iba pa.

“Golf is one way to spend quality time with friends. Every day, we all try to work hard but we must always make time to be with people we value the most, and spend fun time together. That is the unique Tanduay spirit that has kept us strong through the years,” sambit ni Cantada.