Umapela ang Department of Agriculture sa mga tindero ng isda, pagkaing-dagat at gulay na ibigay ang tamang presyo sa mga paninda nila.

Ginawa ng ahensiya ang apela sa gitna ng mga ulat na tumaas ang presyo ng mga bilihing ito sa pag-obserba ng Semana Santa.

Sinabi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na ibinebenta nang mahal ng mga mapagsamantalang tindero ang mga isda, pagkaing-dagat at gulay dahil sa mataas na demand ngayong Kuwaresma, kung kailan maraming Katoliko at Kristiyano ang nangangakong hindi kakain ng manok at karne, bilang pag-aayuno at pagpipenitensiya. (PNA)

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal