Pinabulaanan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga ulat na may iniendorsong kandidato ang Simbahang Katoliko para sa eleksiyon sa Mayo 9.

Ayon sa CBCP Media Office, walang katotohanan ang mga ulat na naglabas ng opisyal na pahayag si Pope Francis na nagsabing hinahangaan niya si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Nabatid na bukod sa naturang pekeng paskil, mayroon pa umanong nananawagan na magkaroon ng block voting ang mga Katoliko para kay Liberal Party standard bearer Mar Roxas at sa kanyang running-mate na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo.

“May we inform the public that the statement from the Pope is not true,” paglilinaw pa nito sa isang Facebook post na ginawa para sa pagbisita ng Santo Papa sa Pilipinas. “It came from a satire piece and is fake.”

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Kaugnay nito, umapela ang CBCP sa lahat na itigil ang pagpapakalat ng naturang malisyosong ulat.

Disyembre noong nakaraang taon nang mag-isyu ng pahayag si CBCP president at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas na nagsasabing kailanman ay hindi mag-eendorso ng kandidato ang simbahan. (MARY ANN SANTIAGO)