REINA MERCEDES, Isabela – Arestado ang isang tauhan ng Philippine Army na nakabase sa Isabela dahil sa pagbebenta ng shabu sa Barangay Tallungan, Reina Mercedes.

Kinilala ng Isabela Police Provincial Office ang suspek na si Rodel Dumalag, 41, tauhan ng Philippine Army, at nakatalaga sa 77th Infantry Battalion sa Camp Melchor Dela Cruz, Gamu, Isabela, at residente ng Bgy. San Patricio, Delfin Albano, Isabela.

Sa buy-bust operation ng awtoridad dakong 5:40 ng hapon nitong Huwebes sa Bgy. Tallungan ay nasamsam mula sa suspek ang siyam na heat-sealed plastic sachet na may hinihinalang shabu, P500 marked money, isang ID ng Armed Forces of the Philippines (AFP), driver’s license, tatlong AFPSLAI passbooks, ilang pay slips, isang brown wallet na may P100, motorsiklo (9922 BQ), at isang helmet. (Liezle Basa Iñigo)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito