Isinulong ni Camarines Sur Rep. Diosdado Macapagal Arroyo ang pag-regulate sa aquarium aquatic life collecting industry.

Ayon sa mambabatas, dapat siguruhin ng gobyerno ang kalusugan ng coral reefs at aquatic life ng bansa upang maprotektahan ang karapatan ng mamamayan para sa balanse at malusog na ecology.

Isinulong ni Arroyo at ng kanyang inang si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, ang pagpapatibay sa House Bill 2803 o “An Act regulating the Aquarium Aquatic Collecting Industry.”

“The industry of harvesting fish and other marine creatures for home and commercial aquariums remains largely unregulated, thus raising various environmental concerns,” giit ng mag-inang mambabatas. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji