Alden at Maine copy

MALAKING karangalan para sa kina Alden Richards at Maine Mendoza at sa AlDub Nation (fans ng Aldub) na pumasok sa Guiness World Records ang kinilalang The Most Used Hashtag in 24 Hours sa Twitter ang #AlDubEBTamangPanahon, na nakakuha ng 40,706,392 na ginamit noong 24 October 2015 – 25 October 2015.

Matatandaan na naganap ang Eat Bulaga Tamang Panahon special sa Philippine Arena, ang pinakamalaking indoor arena at first time na napuno ng AlDub Nation ang venue na may mahigit 55,000 seating capacity. 

Unang pagsasama iyon nina Alden at Maine at ang fans, here and abroad, naniwalang kaya nilang malampasan ang dating pinakamataas na Twitter record na 36 million. Kaya habang nanonood ang fans, sa Philippine Arena at ang mga Team Abroad, Team Bahay at iba pang fan groups, sige sila sa pagtu-tweet gamit ang hashtag na #AlDubEBTamangPanahon. 

Trending

Mathematical discovery ng guro sa Quezon, isa nga bang malaking kalokohan?

At ngayon, sa pagdiriwang ng 10th year ng Twitter, inihayag na pumasok nga ang Most Used Hashtag na #AlDubEBTamangPanahon. 

Congratulations! (NORA CALDERON)