Nanawagan ang Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Malaysia na walang kaukulang working document na makibahagi sa Rehiring Programme ng Malaysian government upang maging legal ang kanilang pagtatrabaho sa naturang bansa.

“Qualified Filipino employees in Malaysia who have irregular status are highly encouraged to work with their employers to register them under the Malaysian Government’s Rehiring Programme, which is ongoing in Peninsular Malaysia from 15 February to 30 June 2016,” sabi ni Ambassador J. Eduardo Malaya.

Layunin ng programa na mabigyan ang mga undocumented foreign worker sa Malaysia ng valid work permits at masunod ang labor demands ng mga industriya upang mapunan ang mga bakanteng puwesto, sa pahintulot ng mga sektor.

Upang maging kuwalipikado, dapat na makatupad sa istriktong requirements, pumasok at dumaan sa regular na paliparan o pantalan sa Malaysia, kasalukuyang nagtatrabaho sa parehong employer sa loob ng anim na buwan bago magsimula ang programa (Setyembre 2015) at walang kinasasangkutang krimen.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sakop ng mga sektor ang construction, manufacturing, services, agriculture at plantation. (Bella Gamotea)