Habang maraming Katolikong Pinoy ang nakabakasyon ngayong Semana Santa, hindi naka-vacation mode si Pangulong Aquino sa gitna ng pinaigting na seguridad ng gobyerno ngayong linggo.

Mananatiling nakaantabay ang Pangulo upang tiyakin ang kaligtasan ng mga biyahero at mananampalataya ngayong Kuwaresma, kasunod ng pag-atake ng mga terorista sa Brussels nitong Martes.

“He is keeping tabs on government security measures to keep public safety,” sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Sonny Coloma nang tanungin tungkol sa plano ng Pangulo ngayong Semana Santa.

Ipinag-utos ng Presidente sa transport authorities ang pagpapaigting ng seguridad sa mga paliparan, hangganan, at mga terminal ng mga pampublikong sasakyan kasunod ng pag-atake sa Belgium.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

“After learning about the attacks in Brussels, the President immediately directed Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya and other concerned government agencies to keep heightened alert to ensure the safety and security especially in transportation terminals: airports, sea ports, bus terminals and maging LRT stations,” ani Coloma.

Kaugnay nito, dinagdagan ang mga pulis at nagbukas ng mga assistance desk sa iba’t ibang pampublikong terminal, ayon kay Coloma. (GENALYN D. KABILING)