Nakumpleto ng JML North Harbour NZ Warriors ang dominasyon sa impresibong 28-14 panalo kontra B2Gold Larrikins sa championship match ng 2016 Manila 10s Invitational.

Pinangangasiwaan ni Philippine Volcanoes Men’ 7s mentor Geoff Alley, pinulbos ng Warriors ang mga karibal, tampok ang championship duel laban sa Larrikins para maitala ang kasaysayan bilang tanging koponan na nagwagi ng Cup sa ikaapat na sunod na taon.

Umani rin ng atensiyon ang PTS Clark Jets nang bokyain ang Alabang Falcons, 27-0, para makamit ang Bowl Championship.

Binubuo ng mga ulilang kabataan at expat, pinatunayan ng Jets ang kanilang kahusayan at bilis sa opensa para madispatsa ang mga karibal kabilang na ang CBRE Makati Mavericks, HKFC Scorpions, INSEAD Barbarians at Albay Vulcans.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“It was a great result for our rugby club, very proud of the way the players performed over the entire weekend. The Jets are known as a fast and electric team, however it was our defense that won us the games. [Despite facing] much bigger opponents, the young Jets showed heart the whole weekend” pahayag ni Jovan Masalunga, Philippine Volcano mainstay at team captain ng PTS Clark Jets.

Sa iba pang resulta, nakopo ng Cebu Dragons ang Shield title, habang nagtagumpay ang RMD Tigers ng Hong Kong sa Plate Championship. Hindi kinasiyahan ang lokal team Manila Nomads na nasibak sa quarter-finals ng Plate, habang tumapos ang Alabang Eagles sa ikaapat na puwesto sa overall standing.

“A great weekend for rugby all over the world, an even better weekend for Philippine Rugby after having two local Filipino teams take out two of the four championship divisions,” sambit ni Matt Cullen, head coach ng PTS Clark Jets at PRFU director of rugby.