meditation-mindfulness copy

ANG mga taong nakararanas ng matinding pananakit sa ibabang bahagi ng likod ay may makukuhang benepisyo sa meditation, ayon sa bagong pag-aaral. Maaari itong makatulong sa pagbawas ng kirot at mas mapapadali para sa mga pasyente na gawin ang pang-araw-araw nilang mga aktibidad, base sa pagsusuri.

Sa pag-aaral, isang grupo ng mga tao na may matinding lower back pain ang nakibahagi sa walong-linggong programa na tinawag na mindfulness-based stress reduction, na kinapapalooban ng meditation upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa kasalukuyang nangyayari, at kanilang pagtanggap sa mahihirap na problema at pakiramdam, kabilang na ang kirot.

Halos anim na buwan matapos simulan ang pag-aaral, ang mga nakiisa sa meditation program ay nakaranas ng halos 30 porsiyentong kaginhawahan sa araw-araw nilang aktibidad, kumpara sa mga sumailalim sa karaniwang gamutan.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ang mga kabilang sa mindfulness meditation group ay nakaranas din ng makabuluhang pagbabago kung gaano sila naaabala ng pananakit ng likod, kumpara sa kabilang grupo, nadiskubre sa pag-aaral.

“We are excited about these results, because chronic low back pain is such a common problem and can be disabling and difficult to treat,” ayon sa leader ng pag-aaral na si Daniel Cherkin, senior investigator sa Group Health Research Institute, isang nonprofit health care organization sa Seattle.

Sa mga nagdaang pag-aaral, “I believe that there is enough evidence…to say that Mindfulness-based stress reduction (MBSR) is a reasonable treatment option,” para sa mga pasyente na magsimula na ngayon, sabi ni Cherkin sa Live Science. “It is relatively safe and may improve people’s life beyond just back pain.”

Gayunman, ipinagdiinan ni Cherkin na katulad ng lahat ng gamutan sa pananakit ng likod, ang MBSR ay maaaring hindi epektibo sa ibang tao. At kinakailangan pa ng ibayong pananaliksik para malaman kung gaano katagal itong eepekto.

MEDITATION PARA SA BACK PAIN

Ang bagong pag-aaral ay binubuo ng 342 adult na nasa edad 20-70 na nakararanas ng pananakit ng likod. Karamihan sa mga partisipante ay nakaranas ng katamtamang pananakit ng likod (at kung ira-rank ang sakit, ito ay nakakuha ng 6 out of 10), sa loob ng pitong taon, at sinabing halos araw-araw itong sumasakit.

Aabot naman sa kalahati ang nagsabing gumamit sila ng pain medication isang beses sa isang linggo para maibsan ang kirot.

Isa-isang tinanong ang mga partisipante at sinagot ang mga katanungan tungkol sa mga aktibidad na hindi nila nagagawa sa araw-araw (katulad na lang ng hindi makapagtrabaho nang maayos, o hindi makatayo ng matagal), at kung gaano sila nababahala sa kirot.

Ang resulta “indicate a considerable number of patients experienced clinically important relief of pain and disability,” sa MBSR at CBT groups, isinulat nina Dr. Madhav Goyal at Jennifer Haythornthwaite, ng Johns Hopkins University School of Medicine, sa isang editorial. (LiveScience.com)