Marlo at Francis Louis Salazar copy

ISA si Marlo Mortel sa 15 interpreters ng mga awiting kasali sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2016 na gaganapin ang finals night sa Kia Theater on April 24. Makaka-duet niya si Janella Salvador sa entry song ni Francis Louis Salazar na may titulong Mananatili.

Itinuturing ni Marlo na malaking karangalan ang pagkakapili sa kanya para mapasama sa interpreters.

“I’m very honored and very excited. I’m a fan actually simula no’ng first Himig Handog at para mahanay ka sa ganito kalalaking mga singers, parang feeling ko, wow, very magaling na magaling na singer na rin ako, feeling ko, so I’m very honored,” pahayag ni Marlo sa media launch ng pinakamalaking Original Pilipino Music festival sa Luxent Hotel.

Trending

Mathematical discovery ng guro sa Quezon, isa nga bang malaking kalokohan?

Kuwento ni Marlo, kakaiba ang atake nila ni Janella sa Mananatili.

“Maraming nagugulat kasi ‘yung song namin is very matured na ang atake and kumbaga nag-blend nang maigi ang boses naming, so it’s a fun experience.”

Hindi nakarating si Janella sa nasabing event dahil nasa taping ito ng bagong serye with Elmo Magalona. Hindi kaya makaapekto ang pagiging busy ni Janella sa nalalalapit na finals night since kailangan nila ang seryosohang praktis?

“‘Pag may free time ‘tsaka nagkikita, pero usually kasi we have our own things, our own stuff so ‘pagka nagkatugma ang sched naming” saka sila nagpapraktis.

Napapanatili nina Marlo at Janella ang kanilang friendship sa kabila ng busy schedules nila.

“Bilang lumalaki na ang pinagsamahan namin from Be Careful (With My Heart) to Oh My G! hindi man kami nagkakausap nang gano’n kadalas, ‘pag nagkikita kami sobrang bonding to the max.”

Inamin niyang name-miss niya ang ka-love team.

“Oo naman, halos araw-araw sa taping before, ngayon bhira na lang, although minsan nagkaka-meet naman minsan kaming dalawa.”

Ngayong may Elmo na si Janella, maghahanap na rin ba siya ng bagong kapartner sa showbiz?

“Siyempre naman. Actually, bilang isang artista naman dapat versatile ka. Hindi naman dapat naka-stick ka sa isa, pero although siyempre iba ‘yung impact namin ni Janella, pero dapat open din kami na magkaroon ng ibang kapareha tulad niyan meron siyang Elmo ngayon, so nag-i-experiment talaga siya as an actress.”

After Oh My G, hindi na ba mapapanood sa bagong serye ang tambalan nila?

“Hindi ko po alam, actually. I have no idea, ito pa lang, and more on hosting talaga ako ngayon pero excited ako dahil first love ko ang singing at magagawa ko ditto.”

Gaya nina Matteo Guidicelli, Xian Lim at JC de Vera na may kanya-kanya nang album, hinihiling din ba niyang magkaroon ng sariling album?

“Sana… pero wala pang magpo-produce for now, so I hope na makita nila na may talent din ako at may maganda akong maio-offer sa OPM.”

Busy rin si Marlo ngayon bilang ‘selfie boy’ ng Umagang Kayganda na sari-saring pasyalan o beach resorts ang ipini-feature niya. (ADOR SALUTA)