pacman copy

LOS ANGELES, CA -- “I thought I’ve already seen the best of Manny ... until I saw him today.”

Ito ang nabigkas ni assistant trainer Nonoy Neri matapos masaksihan ang husay at kakaibang determinasyon ni Manny Pacquiao sa kanyang sparring session nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa Wild Card gym.

“Beautiful, today’s was the most beautiful workout I’ve seen since we arrived here in L.A. last week,” pahayag ni Neri matapos ang pakikipag-usap kay chief trainer Freddie Roach para sa panibagong assessment sa kanilang pagsasanay.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

“Talagang bigay-na-bigay si Manny against his two mates. Ang bilis ng mga paa at kamay at ang lalakas ng mga ibinibigay na suntok,” sambit ni Neri, tumatayo ring dietitian ni Pacman.

Kapwa nakatikim ng hagupit ng mga kamao ni Pacman ang sparring mate niyang sina Lydell Rhodes at Ghislain Maduma.

“Manny has really reached his peak this early in the camp. And he’s still improving by the day,” ayon kay Neri.

“Maganda ang ibig sabihin niyan, talagang magiging handang-handa na siya pagdating ng laban. No, not really,” sambit ni Neri, patungkol a katanungan na posibilidad na ma-burnt out si Pacquiao.

Samantala, ipinahayag ng Nevada State Athletic Commission na ang tatayong third man (referee) sa laban nina Pacquiao at Bradley sa nontitle welterweight fight sa Abril 9 sa MGM Grand in Las Vegas ay ang beteranong si Robert Byrd.

Ang pamosong referee ang siyang opisyal sa unang duwelo ng dalawa na nauwi sa na split decision pabor sa American champion noong 2012.

Pinangalanan naman bilang mga hurado sina Dave Moretti, Burt Clements at Steve Weisfeld. Pawang hindi nakasama ang tatlo sa grupo ng mga hurado sa unna at ikalawang pagsasagupa ng dalawa.

Magtutuoos naman sa co-feature match sina super middleweight titleholder Arthur Abraham at mandatory challenger Gilberto Ramirez, kung saan ang beterano ring si Tony Weeks ang referee habang hurado sina dalaide Byrd, Glenn Trowbridge at Glenn Feldman. (Eddie alinea)