KINAKAILANGANG lumikha ang gobyerno ng karagdagang trabaho kasunod ng magandang kalidad ng edukasyon, ayon sa mga botante ng Social Weather Stations (SWS) survey.

Trabaho ang pangunahing alalahanin ng mga botanteng Pilipino. Iyon naman ay tama at malinaw.

Samantala, nanguna naman sina Sen. Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigong Duterte sa pinakabagong resulta ng survey ng Pulse Asia.

Magkadikit na magkadikit ang laban sa pagitan nina Poe at Duterte bilang susunod na pangulo ng Pilipinas.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ayon sa SWS, 27 porsiyento ng mga botante sa buong bansa ay naniniwalang kinakailangan dagdagan ng gobyerno ang mga trabaho sa bansa.

Yes para sa mas malaking pondo sa paglikha ng mas maraming trabaho. Mas malaking kita at disenteng trabaho.

Gayundin, sa nasabing survey na kinomisyon ng TV 5, nais din ng mga botante na maglaan ng mas malaking pondo sa edukasyon (25%) at para sa anti-corruption programs (21%).

Pasok sa top 3 ang edukasyon at mga programa laban sa kurapsiyon.

Pasok din sa mga alalahanin ng mga botante ang mga sumusunod: Ang malimit na pagtaas ng mga bilihin (11%), pagkain para sa mahihirap (6%), labanan ang krimen (4%), kalusugan para sa lahat (3%), pagresolba sa mabigat na daloy ng trapiko (2%), paglaban sa mga teritoryo ng Pilipinas (1%), at ang paglaban sa rebelyon (0.3%).

Tumango ang mga botante na paglaanan ng pondo ang mga nasabing programa.

Ipinaliwanag ng SWS na ang katanungan sa mobile survey (isinagawa nitong Marso 17) ay, “Sa sarili mong opinyon, anu-ano sa mga sumusunod na programa ang kinakailangan ng mas malaking pondo?”

***

Muling nanguna sa survey si Sen. Grace Poe ngunit napantayan na siya ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Mababasang: Nananatili sa paghataw si Amazing Grace ngunit si “Digong buhay” ay dumikit na sa kanya.

Sumunod sa kanila sina Vice President Jejomar Binay, 22 % (mula 21%), Sec. Mar Roxas, 20 % (katulad ng naunang survey), at Senator Miriam Defensor Santiago, 3%. (Fred M. Lobo)