Cecil-Hechanova copy copy

Nagluluksa ang komunidad ng sports sa pagpanaw ni sportsman Cecil Hechanova, founding chairman ng Philippine Sports Commission (PSC), nitong Holy Monday sa edad na 84.

Kabilang sa pamilya ng mga atleta, si Hechanova ang co-captain ng Philippine team na sumabak sa 1970 Putra Cup.

Ang kanyang kapatid na si Rafael Hechanova ay miyembro ng Philippine men’s basketball team na sumabak sa 1952 Helsinki Olympics.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Inatasan siya ng namayapang Pangulong Corazon Aquino na pamunuan ang PSC na nabuo noong 1990.

Sa kanyang pangangasiwa sa government sports agency, nakamit ng Philippine delegation ang kahanga-hangang runner-up finish noong 1991 Southeast Asian Games sa Manila kung saan natalo lamang ng isang ginto ang Pinoy sa Indonesia para sa overall championship.

“His legacy is our winning second in the SEA Games,” pahayag ni current PSC chairman Richie Garcia. “We will miss him.”

Nakahimlay ang kanyang mga labi sa La Storta, ikalawang palapag ng Loyola Memorial Chapels sa Sucat, Parañaque.

Nakatakda ang interment sa Black Saturday.