May kabuuang 41 koponan ang inaasahang sasabak sa men’s, women’s at junior division ng 22nd Fr. Martin Cup Summer Basketball Tournament na lalarga sa Abril 3.

Pangungunahan ng defending champion Jose Rizal University Heavy Bombers, National University Lady Bulldogs at NU Bullpups ang mga koponan na sasabak sa isa sa pinakaorganisadong collegiate league sa bansa.

Ayon kay tournament organizer Edmundo “Ato” Badolato, may 10 koponan na ang nakapagpatala sa senior division, habang may siyam pa ang nagpadala na rin ng intensyon nang paglahok sa liga na gaganapin sa St. Placid gym sa San Beda College-Manila campus sa Mendiola,

Sa junior division, may 15 na ang nagpadala ng intensyon, habang may pitong koponan ang kabilang sa women’s class.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bukod sa Heavy Bombers, kasama ring kakasa ang AMA Computer College, San Beda College, Arellano University, Adamson University, University of Santo Tomas, Letran A at Letran B. Nagpadala na rin ng sulat ang Ateneo Blue Eagles, University of the Philippines at University of the East.

Sigurado na rin bukod sa reigning UAAP champion Far Eastern University ang Mapua, College of St.Benilde, University of Perpetual Help, Lyceum Philippines University at Emilio Aguinaldo College.

Target ng NU Bullpups, reigning UAAP junior champion, na makamit ang ikalawang sunod na kampeonato sa liga, laban sa NCAA titlist San Beda-A at San Beda-B, La Salle Greenhills-A at B.

Kasama rin ang AMA Computer University, St. Patrick School, FEU, St. Jude, Hope in Hoops, Chiang Kai Shek College, San Sebastian, Letran, JRU at Manila Patriotic School.

Nasa women’s team line up naman ang CSB, Adamson, FEU, UE, Enderun College at AMA Computer College.