Apat na malalaking plastic straw na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mula sa isang dalaw nang tangkaing ipuslit ang mga ito sa Tagbilaran City Jail, sa pamamagitan ng pagkubli sa mga ito sa isang botelya ng shampoo.

Kinilala ng BJMP ang suspek na si Alvin Logrono Paquibot, 26, ng Tiptip District, Tagbilaran City, Bohol./

Ayon sa ulat, bibisitahin sana ng suspek ang dalawang preso na nakulong dahil sa ilegal na droga nang arestuhin siya ni JO1 Roy Pangan dahil sa bitbit na droga.

“As a standard operating procedure, all visitors and their belongings must be subjected to search. While conducting thorough search to the groceries and other belongings of visitor Logrono and upon opening the cap of the Head & Shoulder bottle, I saw plastic objects floating inside the shampoo bottle,” ani Pangan.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Samantala, isa pang pagtatangkang magpuslit ng shabu at iba pang kontrabando ang naudlot sa Silang Municipal Jail.

Ayon kay Silang Jail Warden Senior Insp. Ronald Badio, na-intercept ng kanyang mga tauhan ang 14 na pakete ng sigarilyo na itinago sa isang pinya at 20 pang pakete na ipinasok sa isang piraso ng ampalaya.

(Czarina Nicole O. Ong)