KINSHASA (Reuters) – Muling nahalal si Congo Republic President Denis Sassou Nguesso sa nakuhang 60.39 porsiyento ng boto, pinalawig ang kanyang 32-taong pamumuno sa oil-producing country, sinabi ng interior minister nitong Huwebes.
Ang opposition leader na si Guy-Brice Parfait Kolelas ay nakakuha ng 15% habang si retired general Jean-Marie Mokoko ay nakakuha ng 14%, ayon sa state television.