Pinakakasuhan ng graft ng Office of the Ombudsman si Basilan provincial treasurer Mukim Abdulkadil dahil hindi pag-remit ng mga kontribusyon ng mga opisyal at empleyado ng Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) ng probinsiya simula noong 2007.
Ayon sa Ombudsman, mayroong sapat na probable cause para kasuhan si Abdulkadil ng paglabag sa Section 3(e) ng RA No. 3019 (The Anti-Graft and Corrupt practices Act), Section 6(b) ng GSIS Act at Section 20 ng Pag-IBIG Fund Law.
Sinabi ng Ombudsman na batay sa record ng Commission on Audit (CoA), nagbayad ang ng mga opisyal at empleyado ng Basilan provincial government ng kabuuang P14,647,151.33 noong 2007 para sa kanilang kontribusyon sa GSIS, Pag-IBIG at PhilHealth.
Sa kabuuang halaga na ito, P3,685,726.12 ang hindi pa rin nai-remit simula Oktubre 2008.
Hindi tinanggap ng Ombudsman ang paliwanag ni Abdulkadil na ang peace and order situation sa lalawigan ang dahilan kung bakit naantala ang remittance.
Diin ng Ombudsman, unjustifiable ang dahilan ni Abdulkadil. (Jun Fabon)