MATAGAL nang palaisipan sa mga mananaliksik kung ano ang sanhi ng Alzheimer’s disease, isang sakit na nakaaapekto sa pag-iisip at memorya ng tao.

Ngunit sa isang provocative editorial na ilalathala sa Journal of Alzheimer’s Disease, pinagtalunan ng isang grupo ng mga siyentista ang nasabing karamdaman na maaaring lumalala dahil sa: tiny brain-infecting microbes. Ang kontrobersiyal na pananaw na ito, na hindi na bago, ay hindi na gaanong pinag-ukulan ng pansin dahil sa pagiging katawa-tawa, ngunit base sa isang pag-aaral, ito ay maaaring ikonsidera.

Base sa editorial, na nilagdaan ng 31 scientist sa iba’t ibang sulok ng mundo, ang mahihinang indibiduwal—katulad ng mga taong may APOE ε4 gene variant, isang Alzheimer’s risk factor — ay karaniwang nagkakaroon ng impeksiyon sa tumatandang utak at nagiging sanhi ng pagkasira ng memorya. Ang mga mikrobyong ito ay maaaring kapalooban ng herpes simplex virus 1 (HSV-1), ang ubiquitous virus na nagiging dahilan ng cold sores at Chlamydophila pneumonia, at Borrelia burgdorferi, ang bacteria na nagdudulot ng pneumonia at Lyme disease, ayon sa pagkakasunod.

“We think the amyloid story does come into play, but it’s secondary to the initial inflammation,” ayon sa editorial co-author na si Brian Balin, director ng Center for Chronic Disorders of Aging sa Philadelphia College of Osteopathic Medicine.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Si Rudolph Tanzi, isang neurologist sa Harvard University, director ng Genetics and Aging Research Unit sa Massachusetts General Hospital, ay sumasang-ayon na may kinalaman ang mikrobyo sa pagkakaroon ng Alzheimer’s — ngunit ayon sa kanya, ang pagtugon ng utak sa impeksiyon ay mas delikado kumpara sa mismong impeksiyon.

“We do need to take the role of microbes in the brain seriously, but it’s going to be a lot more involved than simply saying ‘infection causes Alzheimer’s disease,” aniya.

Hindi sangkot si Tanzi sa pag-aaral.

Sa isang pag-aaral, iniulat ni Tanzi at kanyang mga kasamahan noong 2010, na ang amyloid protein ay nakapipigil sa pagkalat ng mikrobyo sa utak.

“Over the last five years, following up from that 2010 paper, we’ve showed that in every Alzheimer’s model tested — from cells to flies to dirt worms to mice — beta amyloid potently protects from infection,” paliwanag ni Tanzi.

Pagdating sa kung anong pathogens ang nakapagpapalala, ang HSV-1 ang kalaban, ayon kay Tanzi. “I think we have to take a couple of steps back and say, ‘What types of bacteria, viruses and fungus accumulate in the brain as we age?’

and study this systematically in an unbiased, agnostic way,” aniya. (LiveScience.com)