DanielBump copy copy

APAT na touristars pa ang nakalampas sa “The Bump-Off Round” kaya magpapatuloy na sa Gate 3 ng I Love OPM, ang pinakabagong singing competition ng ABS-CBN para sa mga 100% foreigners pero love ang Original Pilipino Music.

Pasok na sa Gate 3 ang touristars na sina Jeena Dimaandal (USA), Dio Smith (Pakistan), Daniel Herrington (USA) at ang all-male interracial trio na DBD at tapos naman na ang laban para sa touristars na sina Jerome McCuin (USA), Jonathan Wagner (France), In Seon Jung (South Korea) at Nelson Leausa (Samoa).

Mainit ang umpisa ng DBD sa kanilang suwabeng bersiyon ng Tuloy Pa Rin ng Neocolours at ipinaramdam naman ni Jeena ang kanyang tagos sa pusong pag-awit ng Iisa Pa Lamang ni Joey Albert.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Binuhay naman ni Dio, na may pinakamataas na iskor na 96.67 noong nakaraang linggo, ang Pinoy rock music sa kanyang pag-awit ng Hallelujah ni Bamboo at nagpakilig naman si Daniel sa mga manonood sa bersiyon niya ng No Erase ni James Reid.

Bago ang kantahan, nagtungo muna ang DBD kasama sila Jonathan, Jeena at Jerome sa Cebu at masuwerte naman ang grupo nina Daniel, In Seong Jung, Nelson at Dio dahil sinamahan sila ng Miss Universe 2010 4th runner-up na si Venus Raj sa kanilang paglilibot sa Bicol.

Huwag palalampasin ang huling “Bump-Off” sa Sabado (Marso 26) na paglalabanan nina Addy Raj (India), J-Morning (Korea), Matthew May (UK) at Montri Bootnak (Thailand).

Sinu-sino sa touristars ang makakapasok sa Gate 3? Sino ang susunod na maba-bump-off? Anong pagsubok ang naghihintay sa Gate 3?

Tutukan ang I Love OPM tuwing Sabado pagkatapos ng MMK, at Linggo pagkatapos ng Rated K sa ABS-CBN.