Dapat nang ipatupad ng mga taxi driver ang P10-bawas sa flag down rate sa lalong madaling panahon.
Sinabi ni Romulo Bernaldez, director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)-Region 6, na maraming pasahero na ang nagreklamo laban sa hindi pagtupad ng mga taxi driver sa flag down rate reduction dahil hindi pa naika-calibrate ang kanilang unit.
"Actually the P10.00 reduction from the flag down rate was in effect last March 2015 yet. Only, there was no calibration but only advised the taxi drivers to reduce their flag down rate,” ayon kay Bernaldez.
Aminado si Bernaldez na sisimulan pa lang sa Abril ang recalibration ng metro ng mga taxi unit na may plakang nagtatapos sa 5-7-0. Habang ang mga taxi unit na may plakang nagtatapos sa 1-6-3-8 ay isasailalim sa recalibration sa Hunyo.
Aniya, tiniyak na ng mga miyembro ng United Taxi Operators of Negros Occidental sa LTFRB na susunod sila sa bagong patakaran ng ahensiya kapag natanggap na nila ang kopya ng memorandum kaugnay sa P10 bawas sa flag down rate.
(Edith Como)