Muling tinagubilinan ni Pangulong Aquino ang militar na manatiling neutral upang hindi magamit sa eleksiyon sa Mayo 9, hindi tulad ng malagim na karanasan noong panahon ng batas militar.

“Sa paparating na halalan, malinaw ang atas sa atin ng sambayanan: Manatili sa kanilang panig, huwag makihalo sa pulitika, at siguruhing mananaig ang nagkakaisang tinig ng bayang tumatahak sa landas ng demokrasya,” pahayag ni Aquino sa kanyang pagdalo sa ika-119 na anibersaryo ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig, kamakalawa.

Babala ni PNoy, hindi na dapat maulit ang manipulasyon sa mga sundalo noong panahon ng diktaduryang Marcos. At dahil kontrolado ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos ang militar nang mga panahong iyon, napalawig nito ang termino nang mahigit dalawang dekada at binalewala ang karapatan ng mamamayan.

“Bilang mga tagapagtanggol ng kapwa ninyo Pilipino, at bilang lehitimong puwersa, tangan ninyo ang mga sangkap para mangyari ang tinatawag na ‘monopoly of armed power,’” aniya. (Genalyn D. Kabiling)

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte