Binawian ng reigning Foundation Cup champion Cafe France ang Tanduay Rhum , 65-58, upang makauna sa kanilang best-of-3 series nitong Martes sa 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals, sa San Juan Arena.

Muling nanalasa ang Congolese big man ng Bakers na si Rod Ebondo na nagtala ng 14 na puntos at 25 rebounds upang pangunahan ang dominanteng panalo ng Café France.

Nag-ambag sina Joseph Manlangit at Carl Bryan Cruz ng 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“We were able to get back at them and it’s a good motivation,” pahayag ni Cafe France head coach Egay Macaraya, patungkol sa 74-79 kabiguan ng kanyang koponan sa Rhum Masters noong elimination round.

Hindi pinapuntos ng Café France ang Tanduay sa loob ng limang minuto sa fourth canto upang basagin ang huling pagkakatabla ng iskor sa 51-all at iposte ang 60-51 kalamangan, may 2:33 segundo sa laro.

Mula roon, hindi na lumingon ang Bakers patungo sa panalo. Kakailanganin nilang makaulit sa Rhum Masters sa Game 2 para makausad sa Finals.

“It’s very hard to stop a very good offensive team, but I guess the boys played very good defense and hopefully, we take it to the second game,” pahayag ni Macaraya.

Kumubra ng tig-13 puntos sa Tanduay sina Pari Llagas at Von Pessumal.

Ginapi naman ng Phoenix-FEU, sa pangunguna ni Ed Daquioag na nagposte ng 32 puntos, ang Caida Tiles, 90-83.

Hindi naman nagpabaya sina Mac Belo at Mike Tolomia at tinapos ang nasimulan ni Daquioag sa kanilang pagtatambal sa inilatag ng Tamaraws na 14-1 run na bumura sa 78-74 na kalamangan ng Tile Masters at nagbigay sa una ng 88-79 bentahe.

Nagtapos si Belo na may 20 puntos, siyam na rebound at tatlong steal, habang nagdagdag naman si Tolomia ng 10 puntos,pitong assist, at tatlong rebound.

“Honestly, we are trying to teach our players to engage in a war,” ayon kay Phoenix head coach Eric Gonzales. “The first time we played against them, we were caught flat. Our message to them was we have to engage right on. I don’t question your belief, but our mindset has to be there because it’s not going to be easy.”

Iskor:

CafeFrance 65 — Ebondo 14, Manlangit 11, Cruz 10, Abundo 9, Villahermosa 9, De Leon 6, Jeruta 6, Arim 0, Casino 0, Celso 0, Opiso 0, Zamar 0.

Tanduay Light 58 — Llagas 13, Pessumal 13, Belencion 11, Javillonar 6, Celda 4, Eriobu 3, Lingganay 3, Santos 3, Wetherell 2, Acuna 0, Tagarda 0.

Quarterscores:

18-16; 32-28; 49-44; 65-58.