KASABAY halos ng Mahal na Araw ang kaliwa’t kanang graduation ng mga estudyante. Tinatayang aabot sa 700,000 ang magsisipagtapos ng kanilang pag-aaral ngayong buwang ito.

Ngunit pagkatapos nilang matanggap ang kanilang diploma, pagkatapos ng salu-salo…”Quo vadiz?”

Kumbaga sa programa, ano na ang susunod na bilang ng palatuntunan? Siyempre, ang paghahanap ng trabaho. At ito ang simula ng panibagong kalbaryo. Umpisa na ng paghahanap at pagbibilang ng poste.

Malamang, marami sa mga magsisipagtapos ang magiging tambay lang sa kanilang tahanan. Pakakainin at patuloy na kargo ng mga magulang.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ayon sa Department of Labor and Employment (DoLE), marami umanong bakanteng trabaho na maaaring pasukan ng mga magsisipagtapos. Nagbibiro ba ang DoLE? Ipinahayag din ni DoLE Sec. Rosalinda Baldoz na hindi totoong walang trabaho sa bansa. Mali raw ang impormasyong ito.

Kung marami ngang trabaho dito sa bansa, bakit sangkatutak ang tambay? Bakit marami na ang napudpod na sapatos ngunit hindi pa rin nakakatagpo ng mapapasukan? Hindi naman masasabing komikera si Sec. Baldoz na sa gitna ng pagdarahop ng mga mamamayan ay makukuha pang magpatawa.

Aniya, sa information technology at imformation center pa lang ay aabot na sa 1.9 milyon ang bakanteng posisyon ngayong taon? Idugtong pa niya na sa mga IT-BPM ay may 225,000 na bagong trabahong nakahanda. Pinakamataas pa umano ang demand sa health outsourcing subsector na nangangailangan ng 100,000 trabahador.

Dahil sa kasinungalingan ng gobyernong ito, kalimitan ay hindi ka makapaniwala kahit na sa Diyos. Tambak ang mga walang hanap-buhay, mga tambay, na kahit na mga basurahan ay kinakalkal para sa mga tirang pagkain, tapos isasalaksak sa tainga natin na tambak pala ang trabaho sa bansang ito? Naman!

Ang mga bata, kapag nagsisinungaling ay nakatutuwa. Pero kapag ang nagsisinungaling ay matanda at opisyal pa naman ng gobyerno ay nakasasama ng loob. (Rod Salandanan)