pacman copy

LOS ANGELES, CA – Anuman ang istratehiyang ilalabas ni Timothy Bradley sa ibabaw ng lona, may sagot si People’s champion Manny Pacquiao sa oras ng kanilang laban.

Ito ang siniguro ni Buboy Fernandez, kaibigang matalik at assistant trainer ni Pacman, bilang sagot sa pahayag ng American champion na magugulat ang eight-division world champion sa kanyang ‘big plan’.

Tabla ang head-to-head duel ng dalawa, matapos gapiin ni Pacquiao si Bradley sa kanilang ikalawang pagtatagpo noong 2014. Sa kanilang unang paghaharap noong 2012, nakuha ni Bradley ang split decision win kontra sa noo’y World Boxing Organization welterweight champion na si Pacquiao.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“If he (Bradley) will make true what he is claiming, good, because boxing fans can look forward to witnessing a classic, exciting match, which Manny will win, anyway,” pahayag ni Fernandez nitong Lunes (Martes sa Manila) habang pinangangasiwaan ang ensayo ni Pacquiao sa Wild Card gym.

“We, members of he training staff, have been watching the tape of Bradley’s recent fight, including that against (Brandon) Rios where his camp claimed their guy had shown vast improvement under his new trainer resulting in a ninth round KO win,” aniya.

“Well, meron ngang pagbabagong naibigay si Teddy (Atlas), pero konti lang. And if that is what Bradley will be dishing out against Manny, the result of this third fight will be no different from the Pacquiao-Bradley I and II,” sambit ni Fernandez, kasama ni Pacman mula pa noong maglayag sila sa Manila may tatlong dekada na ang nakalilipas.

“No, I’m not bragging, wala sa bukabularyo namin ang magyabang. What I can only say is Manny has changed a lot from the boxer that everybody knew before,” sambit ni Fernandez. “He has transformed into a thinking, calculated and more mature fighter.”

Iginiit ni Fernandez na halos abot na ng eight-division champion ang kanyang ‘peak’ may tatlong linggo pa bago ang nakatakdang laban sa Abril 9 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

“Kung noon nagpi-peak siya halos one week na lang bago ang laban, ngayon three weeks pa nasa fighting form na siya.

Nakita namin ito kanina sa roadwork niya sa umaga at sa gym noong hapon,” patotoo ni Fernandez.

“We were one nga in the training team (chief trainer Freddie Roach and assistants Nonoy Neri, Roger Fernandez and Marvin Somodio) naniniwala na ready na siyang lumaban,” aniya.

Aniya, malaking bagay sa paghahanda ni Pacman ang kanilang maagang ensayo sa General Santos City, gayundin sa kanilang pagdating sa Wild Card gym.

“Naging minimal na ang disractions pagdating namin dito sa L.A. Kaya concentrated si Manny at naka-focus ang isip sa ensayo rito,” aniya.

Tuloy pa rin aniya ang sparring sessions ni Pacman, ngunit pananatilian lamang nila ito sa 10 round. (Eddie Alinea)