Idineklara na ang state of calamity sa buong South Cotabato dahil sa matinding epekto ng tagtuyot sa lalawigan.
Nabatid na unang isinailalim sa state of calamity ang mga bayan ng Surallah, Tantangan, at T’Boli, at ang Koronadal City dahil sa matinding tagtuyot na dulot ng El Niño.
Ayon sa ulat ng Provincial Agriculture Office, nasa mahigit P284 milyon na ang pinsala sa mga pananim, gaya ng palay at mais. Maging ang produksiyon ng itlog at mga hayop ay apektado na rin.
Matapos maideklara ang state of calamity sa probinsiya, maaari na nitong gamitin ang P22.1-milyon quick response fund para sa mga apektadong mamamayan. (Jun Fabon)