DHAKA (AFP) – Patay ang 11 katao sa magdamag na karahasan sa Bangladesh sa pagbukas ng lokal na halalan, pito sa kanila ang binaril ng security forces, sinabi ng pulisya nitong Miyerkules.

Pinakamatindi ang kaguluhan sa katimogang bayan ng Mathabria, nang atakehin ng mga tagasuporta ng ruling party ang mga pulis at border guards na nagdadala ng mga ballot box patungo sa government headquarters.

‘’A magistrate ordered the shooting and officers fired at thousands of unruly people who attacked us with machetes, rocks and sticks. Three people died on the spot and two on the way to hospital,’’ sinabi ni district police chief Walid Hossain.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture