Pipayuhan ng Department of Health (DoH) ang publiko na mag-ingat sa anim na sakit na karaniwang nakukuha sa tag-araw.

Ayon kay Health Secretary Janette Loreto-Garin, ang mga aktibidad sa tag-araw – gaya ng mga outing, fiesta at iba -- ay nagsisimula sa pag-obserba ng Semana Santa.

“This year, the Holy Week signals the start of summer vacation activities, thus, we are urging the public to keep themselves healthy and fit in the midst of their busy schedules,” ani Garin.

Kaugnay nito, pinayuhan ng pinuno ng kalusugan ang publiko na maging maingat sa “6S” ang anim na karaniwang sakit sa tag-araw. Ang mga ito ay Sore eyes, Sunburn, Sipon at ubo, Suka at tae, Sakit sa balat at Sakmal ng aso.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Sore eyes o conjunctivitis. Ayon sa Center for Disease and Control Prevention, ito ay ang pamamaga ng conjunctiva – ang manipis na layer na nakaaporo sa puting bahagi ng mata at sa loob ng eyelid – at sa mismong eyelid.

“More than just eye irritation, it can easily be due to harmful bacteria or viruses that easily spread to other people. Hand washing can limit its spread. Health experts advise not to use eye drops without consulting a doctor,” payo ng kagawaran.

Sunburn. Isa pang kondisyon na karaniwan dahil sa matinding sikat ng araw ay maiiwasan sa pamamagitan ng paglilimita sa outdoor activities.

“Avoid direct exposure to sun between 10 a.m.-3 p.m. Hide in the shade or seek cool places to prevent the ill-effects of too much sun exposure. Use sunscreen appropriately, like choosing a product that retards against both UVA and UVB rays, with at least an SPF30, applying it 30 minutes before actual sun exposure. Re-apply if exposure will be extended and do not forget the ears, nape areas and feet,” ayon sa DoH.

Hindi lamang sunburn ang maaaring idulot ng sobrang pagkabilad sa araw kundi ang mas seryosong kondisyon ng heat stroke. Maiiwasan ito sa pag-inom ng 8-12 baso ng tubig kada araw.

Sipon at ubo. Madali itong kumalat sa tag-araw, dahil ang mahulaang panahon na nagdadala ng biglaang pag-ulan, paminsan-minsan.

Pinapayuhan ng DoH ang mga senior citizen na magpabakuna laban sa influenza bago magsimula ang flu season sa Hunyo.

Suka at tae. Ito ay dulot ng pagkonsumo ng kontaminadong inumin o pagkain.

“Be cautious of street foods and also those prepared for out-of-town trips. Remember that food spoils easily during the hot summer months. Always have oral rehydration salt solution ready in case one suffers diarrhea,” sabi ni Garin.

Sakit sa balat. Lumulutang ito sa mga lugar na salat ang tubig kayat bihirang nakaliligo ang tao. Karaniwan ito sa mga preso na nagkakaroon ng pigsa dahil sa mainit at siksikang kulungan. Nakukuha rin ang mga sakit sa balat sa paglangoy sa maruruming tubig o sa mga hindi nalinis na public swimming pool.

Pinapayuhan ng ahensiya ang publiko na maligo bago at pagkatapos tumampisaw sa pool; at iwasan ang pag-ihi sa pool.

Gayunman, ayon kay Garin, ang tunay na peligro ay paglalangoy ay ang pagkalunod kayat hindi dapat na pabayaang maiwanan nang mag-isa sa pool o dagat ang mga bata.

Sakmal ng aso. Maaari itong mauwi sa rabies kapag hindi nahugasan at nagamot nang maayos ang sugat.

Hinimok ng health department ang mga may-aari ng aso na pabakunahan ng anti-rabies ang kanilang mga alaga.

“If you sustain dog bites, visit the animal bite center to get rabies vaccination immediately,” ani Garin.

Sa kasalukuyan, may kabuang 484 na Animal Bite Treatment Center at mga pribadong Animal Bite Center (ABT/ABC) na matatagpuan sa buong bansa; 32 ay nasa Metro Manila. (Charina Clarisse L. Echaluce)