Opisyal nang inilunsad ang Diwata-1, ang unang microsatellite ng Pilipinas, sa International Space Station (ISS) nitong Miyerkules, dakong 11:05 a.m. (Philippine Standard Time).

Kabilang ang Diwata-1 sa 3,395 kilogramong science gear, crew supplies at vehicle hardware cargo na dinala ng Cygnus spacecraft na inilunsad ng United Launch Alliance Atlas V rocket mula sa Space Launch Complex 41 sa Cape Canaveral Air Force Station sa Florida, USA, dakong 11:05 p.m. ng Marso 22, Eastern Standard Time.

Mayroong apat na camera ang Diwata-1, na tuloy-tuloy na kukuha ng mga litrato ng Pilipinas. Gagamitin ang mga imaheng ito sa pananaliksik at remote sensing.

Ang remote sensing ay mahalagang teknolohiya “for monitoring weather, disasters, as well as environmental issues” ayon kay Kohei Cho, general secretary ng Asian Association on Remote Sensing (AARS). (PNA)
Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'