Marso 24, 1955 nang ipalabas ang “Cat on a Hot Tin Roof” sa Morosco Theater sa New York. Ito ay binuo ni Tennessee Williams, at idinerehe ni Elia Kazan, na pinagbidahan nina Barbara Bel Geddes (bilang “Maggie”) at Ben Gazzara (bilang soccer player na si “Brick”).

Tampok sa istorya ang iba’t ibang tema, katulad ng pagiging gahaman, sex, at kurapsiyon at tumatalakay sa isang pamilya. Pinuri ni Brooks Atkinson ng New York Times ang nasabing play dahil sa mga karakter na tinatakasan ang kalungkutan, at tinawag itong “a stunning drama.” Natanggap nito ang 1955 Pulitzer Prize, at nakakuha ng apat na nominasyon sa Tony Awards.

Sinimulan ni Williams ang paggawa ng mga play noong siya ay nasa kolehiyo pa lamang, at siya ay pinarangalan sa kanyang small production na “American Blues” noong 1939.

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut