Nagpaalala kahapon ang Philippine National Police-Anti-Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) sa mga bakasyunista ngayong Semana Santa na mag-ingat sa mga indibidwal na nagtutulak ng droga.
Sinabi ni Chief Inspector Roque Merdeguia, tagapagsalita ng PNP-AIDG, tiyak na sasamantalahin ng mga drug pusher ang mga lugar na maraming turista.
Pinayuhan ni Merdeguia ang publiko na huwag basta-bastang tumanggap ng mga padala o bagahe mula sa mga hindi kakilala sa paliparan, daungan at mga terminal ng bus dahil ito ang istilo ng mga drug trafficker. Iwasan ding makipag-usap sa mga hindi kakilala, lalo na sa mga kasiyahan, dahil modus ng sindikato na haluan ng ipinagbabawal na gamot, gaya ng ecstasy, ang mga inumin. (Fer Taboy)