MATINDI at mainit ang ikalawang round ng 2016 presidential debate na ginanap sa UP Cebu noong Linggo. Akalain bang si Sen. Grace Poe na parang isang mahinhing babae at tikom na bulaklak ay nagmistulang isang “tigre” at matinik na rosas sa pakikipagtagisan kay VP Jojo Binay tungkol sa isyu ng citizenship, at maging sa pakikipagtalo kay ex-DILG Sec. Mar Roxas.

Banat ni Nognog, este ni VP Binay, kay Pulot (Sen. Poe): “Ang pinag-uusapan dito ay rule of law. Lagi mong sinasabi na ikaw ay Pilipino. How can you be called a Filipino if you swore allegiance to the US, and you are ashamed of your origins?” Mabagsik ang tugon ni Ampon: “Paano mo nalamang ikinahihiya ko ang pagiging Pilipino?”

Ayon kay Grace, ang pagtira ng isang Pilipino sa abroad ay ‘di nangangahulugan na itinatakwil na niya ang sariling bansa. Ang puso at isip nila ay para pa rin sa bansa. Nais lang magtrabaho at kumita nang maayos para sa pamilya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Banat uli ni Sen. Poe kay Binay: “Maaari ngang dito ka nakatira sa Pilipinas, pero nangungulimbat naman.” Nangitim sa galit si VP at inakalang pinatutungkulan siya ni Poe: “Bakit may hatol na ba?” Sagot ni Grace: “Sinabi ko bang ikaw ang nangulimbat?”

***

Talaga yatang hindi na titigil ang China sa pangangamkam sa teritoryo ng ibang bansa. Ito ay nagiging isang tunay na expansionist, imperyalista at mananakop. Sa huling ulat, itinaboy na naman nila ang mga mangingisdang Pilipino sa Panatag Shoal na saklaw ng 200-nautical mile ng Exclusive Economic Zone ng ‘Pinas.

***

Mabuti pa siguro ay umiba naman tayo ng tema at isyu. Dahil sa regular medical mission ni Manila LP vice mayoralty bet Rep. Benjamin Asilo, libu-libong taga-Maynila ang nakikinabang dito, laluna ngayong tag-init na marami ang nagkakasakit. Ang serbisyong medikal ni Cong. Atong ay ginawa sa Bgy. 105 (Happy Land), at 1,500 ang nabiyayaan.

Bukod dito, may pa-medical mission din ang Pambato ng Tondo sa Baseco, na libu-libo rin ang nakinabang.

Nagpapa-bingo rin siya na ikinatutuwa ng mga residente at may pa-basketball game rin, na nilalahukan ng mga artista at baskebolista. Sa pamamagitan nito, nailalayo ang kabataan sa droga at nagiging addict sa palakasan.

Kung ang mga lokal na pinuno, mga kongresista at mga senador ay tapat sa tungkulin at hindi puro PDAF at DAP ang nasa kukote, tiyak na susulong ang ‘Pinas. (BERT DE GUZMAN)