TAIPEI (AFP) – Inilarga ng Taiwan nitong Miyerkules ang unang international press tour sa isa sa mga pinag-aagawang isla sa South China Sea upang palakasin ang pag-aangkin dito, halos dalawang buwan matapos bumisita roon si President Ma Ying-jeou, na ikinagalit ng mga karibal na claimant.

Ang Taiping ay ang pinakamalaking isla sa Spratlys chain at pinamamahalaan ng Taiwan, na itinuturing ito na bahagi ng kanyang teritoryo.

Ngunit ang Spratlys ay inaangkin din ng China, Vietnam, Pilipinas, Malaysia at Brunei.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina