DALAWAMPU’T walong taon na ang nakalilipas mula nang pasikatin ni Lea Salonga ang awiting pumukaw sa puso ng maraming Pilipino. Noong 1988, ang Tagumpay Nating Lahat na nilikha ni Gary Granada ay sumalamin sa pag-asa at diwang makabayang umiiral matapos lumaya ang bansa mula sa kuko ng diktadurya.

Nitong mga nagdaang linggo, tila nagbalik-tanaw ang lahat sa mga naganap nang muling mapanood sa telebisyon ang nasabing awitin tampok ang pinakabagong patalastas ng Emperador, Inc.

“Ang Tagumpay Nating Lahat ay salamin ng pag-asa, sipag at tagumpay ng buong bansa. Ito ang natatanging mensaheng nais naming ipabatid sa aming mga tagatangkilik,” pahayag ni Winston Co, presidente ng Emperador, Inc.

Layunin ng kumpanya na mapalawak ang operasyon nito sa pandaigdigang merkado, kaya kamakailan ay matagumpay na binili ng Emperadorang Fundador Pedro Domecq ang pinakamalaki at pinakaunang brandy sa Espanya. Bukod sa Fundador, binili rin ng Emperador ang Terry Centenario, Tres Cepas at Harvey’s, ang ilan sa mga nangungunang liquor brands sa Espanya, Equitorial Guinea, United Kingdom at Estados Unidos. Ang pagbili ng Emperador, Inc. sa malalaking kumpanyang ito ay karagdagan lamang sa pagkuha nito sa San Bruno S.A., isang brandy company na nakabase rin sa Espanya. Dahil sa mga nabili ng Emperador na isang kumpanyang pagmamay-ari ng Pilipino, isa na ang Pilipinas sa pinakamalaking investor sa buong Espanya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Noong nakaraang taon, binili rin ng Emperador, Inc. ang Whyte & Mackay Group Limited, isa sa pinakamalaking kumpanya ng Scotch whisky ng United Kingdom na mahigit nang 160 taon ang kasaysayan at nagmamay-ari ng ilan sa mga pinakatanyag na Scotch brands sa industriya tulad ng Dalmore at Jura.

Bukod sa mga ito, ang pagmamay-ari ng Emperador, Inc. sa 1,500-ektaryang vineyard sa Espanya ay nangangahulugan ng pagsisimula ng brandy distribution ng kumpanya sa Silangang Europa, Africa at Hilagang Amerika ngayong taon.

Ang Tagumpay Nating Lahat TV ad ng Emperador, Inc. ay lumabas na sa iba’t ibang local channels. Pinagbibidahan ito ng isang batang entrepreneur na nagpaplano ng isang proyektong pabahay. Ipinapakita rin sa 45-second TV ad ang pagsasalarawan ng makabagong bayanihan. Nagtapos ang video sa isang pagdiriwang ng tagumpay at pagsasalu-salo kasama ang Emperador Light, ang best-selling product ng Emperador sa Pilipinas.

Nitong mga nakaraang taon, napukaw ng Emperador ang puso ng maraming Pilipino dahil sa mga patalastas na nagbibigay-halaga sa mga katangian ng mga Pilipino gaya ng sipag, pagpupunyagi at laging maaasahan.