Hanggang ngayong Miyerkules na lang ang pasok ng mga empleyado ng Supreme Court (SC) at ng iba pang korte sa bansa.

Ito ay matapos ihayag ng SC na pansamantala nilang isasara ang tanggapan kaugnay ng paggunita sa Semana Santa.

Bukod sa SC, magsasara rin sa itinakdang araw ang Court of Appeals (CA) at lahat ng mga trial court.

Sinabi ni SC Public Information Office chief Atty. Theodore Te na ang mga korteng ito ay magkakaroon pa ng skeleton force mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali ngayong Miyerkules.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Mananatili ang skeleton force sa mga nasabing korte, partikular sa SC Clerk of Court en banc, SC Judicial Records Office (JRO), SC Fiscal Management and Budget Office Cash Division, CA Cash Division, CA JRO, at Manila trial court.

Magsasara naman ang iba pang mga korte sa bansa simula 12:00 ng tanghali ngayon. (Beth Camia)