VATICAN CITY (AP) – Huhugasan ni Pope Francis ang mga paa ng mga batang refugee sa ritwal ngayong Easter Week bilang pagpapakita ng pagiging bukas ng Simbahang Katoliko.

Hindi binanggit ng Vatican nitong Martes kung kabilang ang mga hindi Katoliko sa 12 refugee na makikilahok sa ritwal ngayong Huwebes Santos sa Castelnuovo di Porto, sa hilaga ng Rome. Ngunit tiyak na kasama ang kababaihan, sinabi ni Archbishop Rino Fisichella.

Layunin ng ritwal na ipakita ang pagsisilbi at sariwain ang mga ginawa ni Jesus sa kanyang mga apostoles bago siya ipinako sa krus.

“By washing the refugees’ feet, Pope Francis is asking for respect for each one of them,” sulat ni Fisichella sa pahayagan ng Vatican, ang L’Osservatore Romano.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina