Jordan Clarkson

Fil-Am Lakers star Jordan Clarkson, sangkot sa ‘sexual harassment’.

LOS ANGELES – Nahaharap sa kasong ‘sexual harassment’ si Filipino-American NBA star Jordan Clarkson, gayundin ang kasangga sa Los Angeles Lakers na si Nick Young batay sa reklamo laban sa kanila ng umano’y mag-inang biktima.

Sa panayam ng ESPN, inireklamo ni Alexis Jones, isang aktibista laban sa pang-aabuso, sexual harassment, sexual abuse at domestic violence, ng mga professional player na dumanas silang mag-ina ng ‘vulgar, sexual’ gesture mula sa dalawang NBA player na kanilang nakasabay sa Hollywood intersection.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ang naturang insidente na naganap umano ng 7:30 ng gabi nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa intersection ng La Brea at Melrose Avenues nang ang sinasakyan nilang kotse ay tinapatan ng isang Jeep na sakay ang apat na lalaki.

Sinabi ni Jones na dumanas silang mag-ina ng pambabastos sa naturang mga lalaki na nagawa niyang kunan ng larawan bago humarurot paalis ang mga ito.

Kaagad niyang inilagay sa kanyang Instagram ang larawan, gayundin ang hinaing sa kaganapan. Matapos ang ilang saglit, nakilala ang dalawang lalaki sa larawan na sina Clarkson at Young.

“She was super rattled. That’s the truth. It scared her,” pahayag ni Jones sa ESPN, tungkol sa kanyang ina.

“We were in a small car, and they were in a big Jeep, and it was a bunch of big dudes. They’re leaning out of the car and making vulgar, sexual gestures. My mom was really shocked. That immediately turned into sobbing,” aniya.

Sa kanyang post sa Instagram na umani ng mahigit 1,000 ‘likes’ at halos umakit ng 4,000 comments, sinabi ni Jones ang naturang pahayag.

“I pray these pics go viral because THIS is the problem with little boys. Five minutes ago, at the intersection of Melrose and La Bre here in LA, a jeep of four boys pulled up at a red light and started yelling and making the most disgustingly vulgar gestures at my mom and me.

“I rarely “rant” about things but this is the f%+#ing problem and the reason I’ve now dedicated my life to educating young men about respect, not just for women but for everyone. I’m angry. I’m insulted. I’m hurt. They were laughing hysterically until they realized I was filming them and immediately they panicked like the cowards they are. Thank you to all the real men out there who would never treat a mother and daughter that way... Speaking of, I’d love for this to make it back to their mothers!!! Help me find who these guys are!!!

“Let’s see the power of social media and hold them accountable. I’d LOVE to have a candid conversation with them about sexual harassment not simply to shame them, but to understand their mentality so we can better educate young men to be respectful in the future.”

Wala pang pormal na pahayag ang Lakers management hinggil sa naturang isyu, ngunit sinabi ni Lakers spokesman John Black na tinitingnan nila ang isyu at ang alegasyon laban sa dalawang Lakers player na ‘very seriously.’

Nagpahayag din ng kanyang ‘concernd’ si Lakers head coach Byron Scott sa naturang isyu.

Hindi rin nagbigay ng kanyang pahayag ni Clarkson, naghahangad na makalaro sa Gilas Pilipinas para sa Olympic qualifying tournament sa Manila sa Hulyo.

Ayon kay Jones, tinangka umano niyang kausapin ang Lakers management para makausap sina Clarkson at Young, ngunit wala siyang nakuhang sagot.

Naglabas naman ng kanyang pahayag si Young sa kanyang Twitter. Ngunit, kaagad din niya itong binura.

Subalit, ang naturang pahayag ay kumalat na sa social media.

“Aye if you want some attention take a pic of me and say anything next to it and post .. The world we Live in.” ayon sa pahayag ni Young sa @NickSwagyPYoung.