Iniulat ng pamahalaang lungsod ng Makati ang 12 porsiyentong pagtaas sa business tax collection sa unang dalawang buwan ng taon, iniugnay ito sa malakas na kumpiyansa ng mga investor sa bagong liderato.
Sinabi ni Makati Mayor Kid Peña na ang nakamamanghang pagtaas ng business tax component ay nagpalakas sa kabuuang kinita ng lungsod na P7.44 bilyon mula Enero hanggang Pebrero, mas mataas ng 9% kumpara sa total revenue sa parehong panahon noong 2015.
Sa loob lamang ng dalawang buwan, natamo na ang mahigit 50% ng estimated income ng lungsod para sa 2016, na katumbas ng P12.99 bilyon.
Batay sa ulat mula kay City Treasurer Amalia Santos, sa tala nitong Pebrero 29, ang Makati ay nakakolekta ng kabuuang P7,442,714,459.11 sa buwis. (Anna Liza Villas-Alavaren)