luchi-cruz-valdes copy copy

UMAANI ng mga papuri ang hepe ng News5 na si Ms. Luchi Cruz Valdes sa malaking tagumpay ng second leg ng PiliPinas Debates 2016 ng mga kumakandidatong presidente ng Pilipinas na ginanap nitong nakaraang Linggo sa University of the Philippines Cebu.

Pero hindi ganoon kadali ang naging trabaho ng news team ng TV5 dahil matagal na naatraso ang pagsisimula ng programa kaya sangkatutak na kantiyaw ang inabot nila sa netizens. May mga nag-post pang kumanta na lang daw sila.

Matapang na inako ni Ms. Luchi ang aniya’y pagkukulang nila at sinabing pinayagan niyang magdala ng kodigo si Vice President Jejomar Binay pero hindi pala puwede batay sa rules and regulations ng Comelec.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Ayon sa kaibigan naming kasama sa mga bumuo sa Team ng News5 sa Cebu, ipinagpipilitan daw talaga ni VP Binay na magdala ng notes na kanyang babasahin. May isa pang naging problema sa mga kandidato na binanggit sa amin pero hindi na lang namin isusulat dahil hindi naman na ito pinansin ni Ms. Luchi.

Pero dahil na-handle niya nang maayos ang debate at napalutang ang mga katangian at kapintasan o kaalaman o kawalan ng alam ng mga kandidato, at higit sa lahat ay hindi naburyong ang televiewers, ang daming pumupuri kay Ms. Luchi Cruz maging habang sinusulat naming ang item na ito kahapon.

Ang ilang post na nabasa namin: @rodmagaru, “Luchi Cruz owning the miscommunication. What a leader.#PiliPinasDebates2016 #BilangPilipino”

Galing din kay @wanggo-g, “I want to give Luchi Cruz a hug. I think she did really well moderating that circus of a debate. #PiliPinasDebate2016.”

Sabi naman ni @atequitz, “Winner of this debate is Luchi Cruz-Valdez. Very poised and patient with these divas @Luchitweet #PiliPinasDebates2016.”

Nagbigay din ng komento ang singer na si Mark Bautista @iammarkbautista, “Ms. Luchi’s job is i think the hardest #PiliPinasDebates2016.”

At maski ang taga-GMA news na si @loveanover, “LUCHI CRUZ-VALDES -- GREAT JOB!!!

“Huge respect for Ms. Luchi and her maturity, professionalism -- and restraint in tonight’s #PiliPinasDebates2016, “galing kay @maanpamaran.

At ang post ni Bossing DMB sa kanyang Facebook account: “My snappy salute to Luchi Cruz Valdes!”

“Nakaka-inspire at masarap matawag na media worker kapag may tulad ni Luchi na naipapakita ang tunay na silbi ng trabahong ito sa publiko o sa bansa sa kabuuan.

“Kung hindi naging isa sa topnotch broadcast journalists si Luchi, tiyak na pinakamatinik siyang gemologist.

“Sa second leg ng ‘PiliPinas Debates, buong gilas niyang nailantad sa taong-bayan kung alin ang lantay na ginto, tanso, graba, at ipot sa mga batong ipinakilatis niya.

“Ang aking buong respeto, kahit nag-away tayo noong huli nating pagkikita, nya-ha-ha!”

Kulang ang buong section na ito kung ilalabas namin lahat ang napakaraming mga papuri, kapansin-pansin lang na walang pumupuri sa presidentiables, ano ito?

Sa ipinatupad na format ng TV5, nasubaybayan ng ating mga kababayan ang tunay na debate, nagbangaan ang mga opinyon ang mga kandidato sa mga iba’t ibang usaping pambansa at sa kani-kaniyang personal na isyu na kinakaharap.

(Reggee Bonoan)