Sumandal ang Our Lady of Lourdes Technological College sa mainit na mga kamay ni Ivan Villanueva upang pabagsakin ang dating walang talong Macway Travel Club, 107-91, sa 2016 MBL Open basketball championship kamakailan sa Rizal Coliseum.

Nagpasiklab nang husto si Villanueva, naglaro sa Adamson University sa UAAP, sa kanyang tournament-high 34 puntos para sa panalo ng OLLTC-Takeshi sa kompetisyon na sinusuportahan ng Smart Sports, Ironcon Builders, Bread Story, Dickies Underwear, PRC at Gerry’s Grill.

Ang 6-3 forward ang nanguna sa OLLTC-Takeshi ni coach Monel Kallos para makuha ang 86-69 bentahe patungo sa final period.

Ang 34-point explosion ni Villanueva ay tumabla sa dating single-game high na naitala ni Mel Mabigat ng Jamfy-Secret Spices laban sa OLLTC-Takeshi sa nakalipas na linggo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

dagdag si Carlo Pineda ng 18 puntos.

Nakatulong din sina Danny Marilao (14 puntos), Joseph Brutas (11) at Junrey Dumas (9).

Nanguna si Pol Santiago sa Macway sa naiskor na 22 puntos.

Ayon kay MBL chairman Alex Wang, ang walong teams ay maglalaro ng single-round elimination ang top two team ay kaagad aabante sa semis na may dalang twice-to-beat advantage.

Magtutuos naman ang No. 3 at No. 6 teams at No. 4 at No. 5 squad sa knockout matches para sa huling dalawang semis tickets.

Iskor:

OLLTC-Takeshi (107) -- Villanueva 34, Pineda 18, Marilao 14, Brutas 11, Dumas 9, Polican 8, Torrado 5, Burtonwood 4, Villar 4, Reyes 0, Gawingan 0.

Macway (91) --Santiago 22, Dalanon 19, Reyes 11, Marquez 11, Sta maria 10, Dedicatoria 9, Lagrimas 7, Laude 2, Espinosa 0, Martinez 0.

Quarterscores:

31-26, 49-52, 86-69, 107-91