Walang sapat na batayan na napipigilan ang krimen sa bansa ng parusang kamatayan kaya mas makabubuti kung palalakasin ang sistema ng hudikatura bilang sagot sa kriminalidad.

Ayon kay Liberal Party (LP) senatorial bet Leila de Lima, ang pagpapalakas sa criminal justice system ang tunay na solusyon laban sa kriminalidad at hindi ang pagpapataw ng parusang kamatayan.

“No empirical evidence anywhere has suggested that the death penalty deters crime. The death penalty should be abolished, not only because there is no correlation between this punishment and crime deterrence, but also its effects are basically irreversible,” ani de Lima.

Tinukoy din nito ang datos sa Commission on Human Rights (CHR), na natukoy na karamihan sa napatawan ng death penalty ay mahihirap at walang kakayahang magbayad ng pribadong abogado upang ipagtanggol ang sarili sa paglilitis.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Iginiit pa ni De Lima na kontra maralita ang pahayag ng dalawang presidential bet na sina Senator Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagpabor ng mga ito na ibalik ang parusang kamatayan. (Leonel Abasola)