BAGUIO CITY – Sanib-puwersang ipinatupad ng City Intelligence Unit (CIU), Baguio City Police Office (BCPO)-Station 1, at City Social Welfare and Development Office (OCSWDO) ang “Oplan Magdalena” sa Blue Riband Bar sa Naguilian Road, Campo Filipino, at naaresto ang isang GRO at ang floor manager ng establisimyento.

Nadakip ang 29-anyos na babaeng performer, dalaga, stay-in GRO; at si Joey Sameniano Espelimbergo, 47, binata, floor manager, ng Poblacion, La Trinidad, Benguet, kapwa empleyado ng Blue Riband Bar.

Sa operasyon, naaktuhan umano ang dalaga sa malaswang pagtatanghal at inilalantad ang kanyang ari sa entablado ng bar habang pinangangasiwaan naman ni Espelimbergo ang show. (Rizaldy Comanda)

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga aspirants na nag-file ng COC at CONA ngayong Oct. 3