KINUMPIRMA sa amin ng kaibigang kagawad at katotong Ronnie Carrasco na tatanggalin na sa ere ang programang CelebriTV ng GMA-7. Ilang linggo na lang ang itatagal nito sa ere dahil sa Mayo 7 ay hindi na ito mapapanood ng televiewers.

Hindi inabot ng isang taon ang programa nina Manay Lolit Solis, Joey de Leon at Ai Ai delas Alas. Last September lang ito umere at pagkatapos ng walong buwan ay sisibakin na.

Ang CelebriTV ang pumalit sa Startalk, ang sinasabing longest showbiz-oriented talk show na inabot ng halos dalawampung taon.

Siyempre, desisyon ng GMA management ang pagkawala ng programa sa ere. Kahit na may sponsors naman ang show, still, kailangan pa ring mag-rate ito, huh!

Teleserye

'Camille,' isiniwalat na ang dahilan kung bakit 'di pa nanganganak sa 'Batang Quiapo'

Ayon sa isa pa naming source, may kapalit na programa naman daw sina Manay Lolit at Joey de Leon. Pero hindi na iyon sa dati nilang timeslot na ang public affairs department ng Siyete na raw ang mamamahala.

Dagdag pa ng kausap namin, ang iiwanang studio ng CelebriTV ay gagamitin na raw ng programang Wowowin na siguradong ipapabago at pagagandahan nang husto ni Willie Revillame. (JIMI ESCALA)