Batman_Affleck_batman.jpg

NEW YORK (AP) – Umaasa si Ben Affleck na mauunawaan ng Batman fans, na nagdudang magagampanan niya nang maayos ang role ng caped superhero sa Batman v Superman: Dawn of Justice, kung gaano niya sineryoso ang nasabing pagganap.

“The most difficult thing about making this movie, honestly, was the physical aspect,” sabi ni Ben sa The Associated Press nitong Linggo sa pagrampa niya sa red carpet para sa premiere ng pelikula sa Radio City Music Hall sa New York.

Sinabi ni Ben na nais niyang maging akma ang kanyang pangangatawan bilang Batman, kaya matindi ang ginawa niyang workout.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Having to be in the gym every day, six in the morning… I wasn’t used to that kind of workout regimen,” sabi ni Ben.

“Fans have come to expect that if you’re going to play a superhero, you got to look in the body like a superhero. I knew the camera was going to be looking at me and the guillotine was there so I knew I had to be ready.”

Dismayado ang ilang fans nang ihayag ng Warner Bros. halos tatlong taon na ang nakalilipas na si Ben ang gaganap na Batman, at umabot pa sa puntong nagkaroon ng mga pormal na petisyon upang bawiin ng studio ang role sa kanya.

Gayunman, kinatigan si Ben ng Warner Bros., at proud ngayon ang Oscar winner na naging bahagi siya ng Batman legacy.

“I’m really honored to be part of a tradition that Christian Bale and Christopher Nolan, great talents, worked on.

Michael Keaton, Val Kilmer, George Clooney, Tim Burton, great talents. So I just wanted to do my best. I think we did something different, but something that is still very much Batman,” sabi ni Ben.

Ito rin ang opinyon ng kanyang co-star sa pelikula na si Jesse Eisenberg, na gaganap bilang kontrabida ni Superman na si Lex Luthor.

Kilala sa kanyang pagganap bilang Mark Zuckerberg sa pelikulang The Social Network, sinabi ni Jesse na nauunawaan niya ang kanyang mga kritiko.

“I can assure them as critical as they are of me, I’m more critical. No one is more concerned or critical or worried about doing a good job than I am,” sabi ni Jesse.

Pinuri naman ni Amy Adams, na gumaganap bilang Lois Lane, ang mahusay na pagganap nina Jesse at Ben.

“I think the audience is going to have to decide for themselves. (I) got to see it, and I was blown away,” sabi ni Amy. “They both bring something we’ve never seen before in these characters, but something that really pays homage to the canon, so I think they are going to be really happy.”

“I think people are going to like it,” sabi ni Ben. “All you can do is do your best.”