Rihanna copy

LOS ANGELES (Reuters) – Nabawi ni Rihanna ang unang puwesto sa lingguhang U.S. Billboard 200 album chart nitong Lunes, dinaig sina Adele at Justin Bieber sa linggong matumal ang bentahan.

Mula sa ikatlong puwesto, nanguna sa Billboard chart ang Anti — ang ikawalong album ni Rihanna — sa naibentang 54,000 kopya ng album, awitin, at streaming activity, ayon sa Nielsen SoundScan.

Umabot na sa halos 300,000 kopya ng Anti ang naibebenta sa Amerika simula nang i-release ito noong nakaraang buwan.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Bukod sa naibenta, may isang milyong kopya rin na ipinamahagi sa fans na nagrehistro sa music streaming platform na Tidal.

Noong nakaraang linggo lang inilunsad ang Anti world tour ni Rihanna at itatampok ito sa Europe sa summer.

Sa isang linggo na walang isa mang album na nakabenta ng three-fourths man lang ng 100,000 kopya, nanatili sa second spot ang 25 album ng British singer na si Adele, at nakabenta ng karagdagang 51,000 unit. Dalawang puwesto naman ang tinalon ng Purpose album ng Canadian pop star na si Justin para pumuwesto sa ikatlo sa naibentang 48,000 unit.

Dadalawa lang din ang bagong entry sa Billboard 200 Top 10 ngayong linggo: ang Incarnate ng metalcore band na Killswitch Engage sa No. 6, at ang debut album na 3001: A Laced Odyssey ng Brooklyn hip hop ground na Flatbush Zombies sa No. 10.